Sino ang Pinoy
January 26, 2009Napapansin ninyo ang napaka distinct na katangian ng isang pinoy? minsan nakakatawa pero totoo…
Kung mapapansin ninyo sa pag papangalan palang mahilig ang pilipino sa mahahabang pangalan pero ang itatawag lang nila sakanila eh mga palayaw na “kulas”, “ikking”, “baldo” etc. Pinoy din ang mahilig magpangalan ng doble doble, “john-john”, “nene”, “toto”, etc diba? kakaiba ang pinoy, isa pa tungkol sa mga pangalan nila sa lalake di nawawala ang “john” example: “john dalton”, ” john clement”, ” David John”, “john gerald” at sa babae di nawawala ang “maria” example: “maria marie”, “maria joy”, “maria katleen” minsan nasa pinoy din ang pinaka mabahong name, tulad ng “Pedro”, ” petra”, at kung ano ano pa.
Pag dating sa pamilya the best din ang pinoy, kadamihan ng pamilyang pilipino ang may Jr, the second, the third, the fourth pa, at kadalasan di bababa sa apat ang anak ng isang pilipino at favorite tag line nila ” kahit na mahirap kami basta sama sama masaya” sabay tawa, sa pinoy din makikita ang pamilyang may kabit si tatay may anak sa labas si nanay buntis si ate at nakabuntis si kuya at nanunuod ng bold si bunso.
sa ibang bansa dito mo makikita na kakaiba ang pinoy, sa airport sila lang ang may mga balikbayan box na aabot hangang lima pataas, sila lang ang tumuturo ng bagay gamit ang nguso, sila lang pupunta ng shoe store at may dalang mga papel na may sukat ng paa, sila din makikita mo na pag nakasalubong ng maganda tataas ang isa nilang kilay at susundan ng tingin ang tao.
pag nakita mo na ginagawa mo o ang ibang tao ng ganun, aba pinoy ka nga!
Originality Reality T.V
January 23, 2009Wala ba kayo napapansin sa mga teleserye ngayon? diba halos lahat galing sa comics? kung hindi sa lumang pelikula na hindi ka pa pinapanganak eh patok na? diba?? tapos pag dating ng game show anjan din ang mga remake daw o filipino version daw ng game, kung maalala ninyo diba ang hahaba dati ng teleserye na aabot ng 3years mahgit, tapos ginaya nila mga mexiconovela na saglit lang, tapos may isang station nag palabas ng korean or asianovela, tapos sunod sunod na, nakakahiya na minsan ang philippine t.v wala nang originality, di na tulad ng sineskwela, epol apple, pero di kasi eto napapanood ng mga bata ang pinapanuod nila kasi voltes V, daimos, doraemon,at kung ano ano pa, di pa nakontento pati sponge bob tagalog? dora tagalog? diba nakakaadict din sila mag palabas ng kung ano ano?
I mean mga critics sa ganyan isa lang comment “yuck baduy!!” diba bakit nga naman kasi mga pinoy naman pag nainterview ng media “ano po masasabi ninyo sa bagong palabas ng GMA na boy sinigang?” sasagot yan automatic ” No.1 ang boy sinigang idol na idol ko ang bida, sa lugar namin bida ang boy sinigang!!!” well in fact di nga nila alam na walang palabas na ganoon oo nalang sila ng oo, pansin ninyo sa mga palabas na super hero lagi at laging mag sisimula yan sa pag kabata ng super hero diba? i mean ok mahalga pero kelangan ba lagi nalang ganon?
Baka sa susunod na pag bukas ko ng t.v ang mga palabas na eh “Gloria ang paglalakbay” kung saan mapapanuod mo pa rason kung bakit siya maliit, bakit labas ngipin niya kelan tumubo nunal niya kelan siya nahilig sa pula at kung ano ano pa, I mean nakakabaliw mga palabas ngayon na kung ano anong konsepto, may mga sunod sa uso may nag papauso, gumagawa sila ng mga palabas na alam na ng tao ang storyline pero iniiba nila, gawa din sana sila ng “Glorya ang mahiwagang bulsa” well alam na ninyo ang storyline niyan pero iibahan nila ng storyline para ano??
Baka may balak kayo gumawa pa ng filipino version ng simpsons, wag na parang awa ninyo na. at isa pa gagawa sila ng reality show at ang mga contestant pag katapos ng show, isang certified artista na i mean talent search ba iyon?? diba reality show lang? dami nga sumikat sa pag kanta makikita sa bida na sa pelikula. PINOY nga kayo!!
Truths About A Class Room
I know some of you readers are students, so i decided to type something about facts and truths about an average type of college classroom, first of all mag tatagalog na ako typical filipino ako. Sa isang classroom pag walang instructor meron mga mahilig magyaya kumain, meron naman mag sisimula na mag chismisan, meron din naman susubsub na mukha sa libro meron naman mag papa sound meron din mag lalabas ng cellphone at mang hihiram ng cellphone, mag lalaptop, natural maingay diba? normal palang yan pero sa tingin mo normal pa ba ang meron nag eemo sa tabi, mamaya may umiiyak na wala naman dahilan, meron din parang ewan na nakaharap sa libro pero nasaloob ng libro pocket book na may kung ano anong laman (take note walang insturctor) meron ding nagyayaya maglaro ng jackstone, baraha, at kung ano ano pa, meron din naman nag flaflames sa note book, meron ding nag babasa ng twilight yung addict doon syempre, meron pa mga lalabas lang para hanapin ang crush na lalake, meron din nag papagandang bading sa gilid meron din nag aaway dahil lang sa simpleng bagay may mga nerd group din na pinag uusapan mga best science research, mga idol nilang boy band, mga korni na bagay, grabe dami ko napapansin.
Pag may instructor naman na sobrang boring at mali mali pa ang grammar at nakakaantok na oras, andito manga studyanteng, nag tetext, anjan parin ang nag babasa ng pocket book tatanungin mo asan siya sasabihin sayo “andun nag babasa nanaman ng pocket book, di na nga nag aaral eh” meron din nag kwekwentohan at bigla tatawa ng malakas sa tahimik na klase at mag titinginan sila, tapos anjan pa mga nag eembento na nang bagong laro para lang malibang nangunguna jan hang man, xox, sos, thumb wrestling, at meron pang laro na walang title pero alam laroin yung mag dradrawing ka ng star akin bilog pag natamaan ko star mo panalo ako game, meron pa nag nananay tatay sa harap ng teacher, penpendesarapen pa, at madami pa, meron ding tumatawa sa grammar ng teacher, looks at appearance ng teacher,at pag bading ang teacher, nagtatago ang manga guys na gwapo at baka maharas, lalo yung mga nasa harapan, meron parin nag papaka emo sa harap ng teacher at pag tinanong, tatayo lang at titingin ng malayo sa bintana, meron ding nakadungaw sa bintana at nag hahanap ng mapag tripan na kambing na dadaan o kung ano pa, may nag aasaran ng baboy, kambing, tupperware, kare kare, mani, lugalugaloo, zaido, pusa, baka, aso, meron din ang natutulog na akala mo di nakikita ng teacher, meron pa nag lalaway, at matatawag pang normal ang nag papatayan ng saksak sa bolpen sa likod dahil ayaw pahingian ng papel, may nagbabantay ng oras, meron din nag eenjoy na matatawag na k.j at meron din gumagawa ng nobela na hindi naman kasali sa topic ng teacher, meron din nakikinig, nag papansin sa teacher, lalabas para kumain, nakikipag okrayan pa sa teacher, normal lang yan at totoo, ngunit pag ang isa sa mga yan tatawagin, isa lang sagot…. “Ano daw??”
My…Unang Post..
January 22, 2009Well una sa lahat welcome sa site ko, Blogsite actually. wala pa naman ako gano ma sabi sa ngayon, actualy may asignment pa ako ng polgov pero… kaya pa yan.. madami pa ako quiz, sana nga makapasa ako… pero bilang unang post ko sige sipagan ko muna ng konti. sige since nasimulan ko na rin lang ang political government na yan, madami ako napapansin sa sa mga classmate ko actualy may nag didial ng nose, may walang paki alam at may nag papapilit samin na sabihin na maganda siya(teacher) grabeng torture na yun sakin na sabihin yun kaya di na ako umimik, actualy nakayuko lang ako kanina sa pol gov pero nabuhay ako sa tanong ng Instructor namin.. sabi niya “How do you enjoy your private… time” something like that, lahat kami nabuhayan, may sumagot ng nakakatawa, may sumagot ng seryoso, may special pa na sa bathroom daw, well natapos din ang pol gov at sumunod rizal grabe ang boring maging nurse. i mean bakit kelangan ba yun? unless kung may patient ka na tanungin “nurse kindly state the philippine republic act number 2101?” or “nurse saang bansa nakilala ni rizal si osei-san?” siguro sasagot ako, “diba lahat naman ng japanese may SAN sa huli??” kahit alam ko naman na hindi lahat, nakakaboring san araw araw nga eh r.l.e nalang sigurado ganado lahat mag aral. diba?


