My…Unang Post..
January 22, 2009Well una sa lahat welcome sa site ko, Blogsite actually. wala pa naman ako gano ma sabi sa ngayon, actualy may asignment pa ako ng polgov pero… kaya pa yan.. madami pa ako quiz, sana nga makapasa ako… pero bilang unang post ko sige sipagan ko muna ng konti. sige since nasimulan ko na rin lang ang political government na yan, madami ako napapansin sa sa mga classmate ko actualy may nag didial ng nose, may walang paki alam at may nag papapilit samin na sabihin na maganda siya(teacher) grabeng torture na yun sakin na sabihin yun kaya di na ako umimik, actualy nakayuko lang ako kanina sa pol gov pero nabuhay ako sa tanong ng Instructor namin.. sabi niya “How do you enjoy your private… time” something like that, lahat kami nabuhayan, may sumagot ng nakakatawa, may sumagot ng seryoso, may special pa na sa bathroom daw, well natapos din ang pol gov at sumunod rizal grabe ang boring maging nurse. i mean bakit kelangan ba yun? unless kung may patient ka na tanungin “nurse kindly state the philippine republic act number 2101?” or “nurse saang bansa nakilala ni rizal si osei-san?” siguro sasagot ako, “diba lahat naman ng japanese may SAN sa huli??” kahit alam ko naman na hindi lahat, nakakaboring san araw araw nga eh r.l.e nalang sigurado ganado lahat mag aral. diba?
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


