Originality Reality T.V
January 23, 2009Wala ba kayo napapansin sa mga teleserye ngayon? diba halos lahat galing sa comics? kung hindi sa lumang pelikula na hindi ka pa pinapanganak eh patok na? diba?? tapos pag dating ng game show anjan din ang mga remake daw o filipino version daw ng game, kung maalala ninyo diba ang hahaba dati ng teleserye na aabot ng 3years mahgit, tapos ginaya nila mga mexiconovela na saglit lang, tapos may isang station nag palabas ng korean or asianovela, tapos sunod sunod na, nakakahiya na minsan ang philippine t.v wala nang originality, di na tulad ng sineskwela, epol apple, pero di kasi eto napapanood ng mga bata ang pinapanuod nila kasi voltes V, daimos, doraemon,at kung ano ano pa, di pa nakontento pati sponge bob tagalog? dora tagalog? diba nakakaadict din sila mag palabas ng kung ano ano?
I mean mga critics sa ganyan isa lang comment “yuck baduy!!” diba bakit nga naman kasi mga pinoy naman pag nainterview ng media “ano po masasabi ninyo sa bagong palabas ng GMA na boy sinigang?” sasagot yan automatic ” No.1 ang boy sinigang idol na idol ko ang bida, sa lugar namin bida ang boy sinigang!!!” well in fact di nga nila alam na walang palabas na ganoon oo nalang sila ng oo, pansin ninyo sa mga palabas na super hero lagi at laging mag sisimula yan sa pag kabata ng super hero diba? i mean ok mahalga pero kelangan ba lagi nalang ganon?
Baka sa susunod na pag bukas ko ng t.v ang mga palabas na eh “Gloria ang paglalakbay” kung saan mapapanuod mo pa rason kung bakit siya maliit, bakit labas ngipin niya kelan tumubo nunal niya kelan siya nahilig sa pula at kung ano ano pa, I mean nakakabaliw mga palabas ngayon na kung ano anong konsepto, may mga sunod sa uso may nag papauso, gumagawa sila ng mga palabas na alam na ng tao ang storyline pero iniiba nila, gawa din sana sila ng “Glorya ang mahiwagang bulsa” well alam na ninyo ang storyline niyan pero iibahan nila ng storyline para ano??
Baka may balak kayo gumawa pa ng filipino version ng simpsons, wag na parang awa ninyo na. at isa pa gagawa sila ng reality show at ang mga contestant pag katapos ng show, isang certified artista na i mean talent search ba iyon?? diba reality show lang? dami nga sumikat sa pag kanta makikita sa bida na sa pelikula. PINOY nga kayo!!
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


