Truths About A Class Room
January 23, 2009I know some of you readers are students, so i decided to type something about facts and truths about an average type of college classroom, first of all mag tatagalog na ako typical filipino ako. Sa isang classroom pag walang instructor meron mga mahilig magyaya kumain, meron naman mag sisimula na mag chismisan, meron din naman susubsub na mukha sa libro meron naman mag papa sound meron din mag lalabas ng cellphone at mang hihiram ng cellphone, mag lalaptop, natural maingay diba? normal palang yan pero sa tingin mo normal pa ba ang meron nag eemo sa tabi, mamaya may umiiyak na wala naman dahilan, meron din parang ewan na nakaharap sa libro pero nasaloob ng libro pocket book na may kung ano anong laman (take note walang insturctor) meron ding nagyayaya maglaro ng jackstone, baraha, at kung ano ano pa, meron din naman nag flaflames sa note book, meron ding nag babasa ng twilight yung addict doon syempre, meron pa mga lalabas lang para hanapin ang crush na lalake, meron din nag papagandang bading sa gilid meron din nag aaway dahil lang sa simpleng bagay may mga nerd group din na pinag uusapan mga best science research, mga idol nilang boy band, mga korni na bagay, grabe dami ko napapansin.
Pag may instructor naman na sobrang boring at mali mali pa ang grammar at nakakaantok na oras, andito manga studyanteng, nag tetext, anjan parin ang nag babasa ng pocket book tatanungin mo asan siya sasabihin sayo “andun nag babasa nanaman ng pocket book, di na nga nag aaral eh” meron din nag kwekwentohan at bigla tatawa ng malakas sa tahimik na klase at mag titinginan sila, tapos anjan pa mga nag eembento na nang bagong laro para lang malibang nangunguna jan hang man, xox, sos, thumb wrestling, at meron pang laro na walang title pero alam laroin yung mag dradrawing ka ng star akin bilog pag natamaan ko star mo panalo ako game, meron pa nag nananay tatay sa harap ng teacher, penpendesarapen pa, at madami pa, meron ding tumatawa sa grammar ng teacher, looks at appearance ng teacher,at pag bading ang teacher, nagtatago ang manga guys na gwapo at baka maharas, lalo yung mga nasa harapan, meron parin nag papaka emo sa harap ng teacher at pag tinanong, tatayo lang at titingin ng malayo sa bintana, meron ding nakadungaw sa bintana at nag hahanap ng mapag tripan na kambing na dadaan o kung ano pa, may nag aasaran ng baboy, kambing, tupperware, kare kare, mani, lugalugaloo, zaido, pusa, baka, aso, meron din ang natutulog na akala mo di nakikita ng teacher, meron pa nag lalaway, at matatawag pang normal ang nag papatayan ng saksak sa bolpen sa likod dahil ayaw pahingian ng papel, may nagbabantay ng oras, meron din nag eenjoy na matatawag na k.j at meron din gumagawa ng nobela na hindi naman kasali sa topic ng teacher, meron din nakikinig, nag papansin sa teacher, lalabas para kumain, nakikipag okrayan pa sa teacher, normal lang yan at totoo, ngunit pag ang isa sa mga yan tatawagin, isa lang sagot…. “Ano daw??”
Previous Comments
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.



hahaha.. nice observation..
uist, san k b ngcocompose ng blog mo, sa MS word ba?
Posted by jet at January 23, 2009, 9:29 pm